Shhh quiet ka lang na nanuod ako ha 😉
#1 Makapangyarihan talaga ang kape. Saksi ito sa maraming usapan… mula sa pinakatrivial hanggang sa pinakamalalim. At kapag sinabayan ito ng biro ng universe, ‘di ka lang nito gigisingin pero imumulat din ng matapang na kape ang mga mata mo sa mga posibilidad na baka sumusunod sunod lamang sayo. (Kaya @crush: tena magkape, kahit pa ayaw mo nito, kahit ako na lamang ang iinom). Marami na itong nasaksihang simula pero marami na rin itong natanaw na umpisa ng wakas… #2 When you’re broken at the same places, you are naturally drawn to each other. Malay mo you are called to fix one another. #3 May mga tao talagang dumarating para baguhin ang buhay natin. Ika nga ni Celeste, “para bigyang buhay ang buhay” pero tandaan kadalasan sa kanila’y kailangan ding lumisan. SAMPUNG BAGAY NA NATUTUNAN/NAALALA KO MATAPOS MANUOD NG "100 TULA PARA KAY STELLA"
At, oo, kagabi ko lang napanuod. Sobrang late na. Yan ang perks of being Lennon. Matagaltagal na rin nung huli akong nanuod ng sine... may kasama pa ko nun at nagsusulat pa rin ng tula nang biglang... ah basta so heto na nga dahil uso ngayon yung mga pagmumunimuni sa mga pelikula na "sampung bagay na natutunan ko" so makikisali na rin ako sa bandwagon. Kaya heto na sit back and enjoy :) 1. Wala namang tama o maling tao. Wala ring tama o maling pagkakataon para magmahal. Pagnagmahal ka kailangan mo magmahal. Period. Tayo lamang ang lumilikha ng kategorya ng tama o mali sa pag-ibig. Ang mga desisyon natin ang mag-uukit ng kung paano ang magiging takbo ng ating kwento. 2. Ipapalabas ng taong mahal mo ang the best sayo pero tandaan, ipapalabas din niya ang worst mo. Ang ngumiti at lumuha ay parehong kasama sa timpla ng pag-ibig. Kaya, oo tama nga, sa pagmamahal mas makikilala mo ang sarili mo. 3. Love transcends language. Maari lamang ilarawan ng mga salita ang nararamdaman ngunit kailanma'y di nito maihahatid ang buong katotohanan. Kaya nga may mga tula dahil ito ang pinakamalapit na approximation sa pagtranscend ng wika sa sarili niya upang makamit ang pinakaaasam na pagsambit ng "mahal kita" sa buo nitong pagiging. Ang tanging pupuno lamang sa kakulangan ng wika ay gawa - mga gawang magagawa lamang dahil sa kakaibang energy na dulot ng pagmamahal. Sabi nga ni Zhuang Zi, "Pag nasabi na ang lahat ng masasabi, ang pinakahalaga ay di masasabi... mauunawaan lamang ng pusong mapangkawanggawa." 4. Sa bahaging dulo ng pelikula, sinabi ni Stella kay Fidel, "'I love you'... 'Gusto kita'... 'Mahal kita'... bakit hindi mo sinabi?!" At sa gulat ko ako yung sumagot at napasabing, "Bakit 'di mo naramdaman?!" Minsan sa kakanuod natin ng sarili nating mga kwento, nalilimutan nating characters din tayo sa kwento ng iba at maaring sa kanilang kwento ay ikaw ang mismong storya. 5. Humanga ako dun sa character ni Danica (yung gagang selosa nilang kaklase na may lihim palang pagtingin kay Fidel). Mahirap magmahal ng taong alam mong di ka naman susuklian kahit barya na lang sana dahil may mahal na siyang iba. Pero mas mahirap magmahal kung nakikita mong nasasaktan at masasaktan lang siya ng taong mahal niya pero nanatili ka pa ring supportive at palihim na nagseselos kasabay ng pagpuksa sa sarili mong pagnanais dahil tanggap mo nang sadyang mamahalin mo lang siya mula sa malayo. At, oo, biased ako kaya masasabi kong isa tong manifestation ng "true love". |
anonymous lenzJust a traveling someone in this reality we have fallen in love with... this we call our world... "What is essential is invisible to the eyes..." Tags
All
"The absolutely other is the Other" Archives
September 2018
"There is only one corner in the universe that you can be certain of improving and that's your own Self" |