(This is my reflection for this Sunday's Gospel, Mt. 5:38-48, given at Our Lady of Fatima Chapel, Cagayan de Oro City, 6pm)
“An eye for an eye; a tooth for a tooth” Tayo pong mga Pilipino ay labis ang paniniwala sa kasabihang ito. Adik na adik po tayo sa katarungan – sa hustisya. Sa telenovela na lang po: sino ho ba dito ang excited ng mahuli ni Cardo si Joaquin? Ito pong “eye for an eye; tooth for a tooth” sa Latin po ang tawag dito ay “lex talionis” o “law of equivalence” – kung anong ginawa mo sakin, gagawin ko rin sayo. Ito rin po yung pangalan ng fraternity ng pangulo at ng justice secretary. Tayo po kasi ay naniniwala na ang Diyos ay kakampi ng mabuti at kalaban ng masama. At the end dapat mamatay yung masamang tao. Pero ngayong Sunday pong ito kakaiba ata ang sinasabi ng Panginoon. “Love your enemies”. Minsan po eh ako’y nagbibigay ng recollection sa mga high school students, tinanong ko po sila: “Anong tingin mo sa kaaway mo?” Walang nagtataas ng kamay. Maya-maya eh mayroong isang babae tumayo at ang sabi, “Brother para po sa akin siya po ay isang kayamanan.” Natuwa naman po ako kasi kakaiba yung sagot niya eh: ibig sabihin naunawaan niya talaga ang Gospel so tinanong ko siya, “Bakit naman?” Ngumiti siya sabay tingin doon sa babae sa may kabilang row at ang sabi eh, “Ang sarap niya po kasing ibaon sa lupa!” “Love your enemeies!” Ito po marahil ang isa sa pinaka unpopular sa mga sinabi ni Kuya Jes. Imaginin niyo na lang po: ninakawan kayo, pinagsamantalahan, binugbog... at the end sasabihin sayo ni Kuya Jes, “love your enemies”. Marahil po magpapalit kaagad tayo ng religion pag ganun ang nangyari. Pero ito po mismo ang sinasabi niya sa atin ngayon, “Love your enemies!” Eh teka, Lord, ang hirap naman niyan di ba pwedeng “kill your enemies” na lang? O kaya “sue your enemies”? Mahalaga pong makita natin na itong “Love your enemies” na Gospel natin ngayon (Mt. 5: 38-48) ay nagtatapos sa verse 48: “So be perfect, just as your heavenly Father is perfect.” Ibig pa lang sabihin eh the road to perfection is precisely by loving your enemies. Si Kuya Jes po mismo ang pinakamagandang example. Syempre po walang makakalimot siguro dito sa atin sa isa sa pinakanakakabad trip na character sa bibliya: si Hudas Iscariote. Actually sa atin nga pong mga Pilipino ang pangalang “Hudas” ay katumbas na po nang “ahas”. Ano po bang ibig sabihin ng “ahas”? Diba sa mga lovers dito pagsinabing “ahas” ay mang-aagaw at sa mga theologians naman ay “demonyo” (cf. Genesis). Sobrang galit na galit po tayo kay Hudas dahil all of us even once in our lives has experienced to be betrayed o to betray. Kaya nga po dati sa Pampanga pag Easter Sunday after ng Salubong ay may extra pa silang rite, ang tawag po nila ay “Ang kamatayan ni Hudas”: nilalagyan nila ng maraming firecrackers yung effigy ni Hudas tapos po papaputukin at susunugin. Pero naisip niyo po ba: magkakaroon kaya ng kaligtasan kung hindi trinaydor ni Hudas ang Panginoon? Naalala po ba natin na sa huli ay nagsisi siya nang sobra at gusto niya sanang ibalik yung ibinayad sa kanya ng mga Saserdote kapalit ni Kuya Jes? Sa sobrang pagsisi niya po kaya siya nabuang at nagpakamatay: he fell into despair. Kung mapapansin po natin ang pinaka unang Missa – ang Last Supper – ay para po kay Hudas. Inoffer po ito ni Kuya Jes para sa kanya. “And on the night he was betrayed he took the bread... and in the same manner the chalice... saying... ‘Take this all of you and eat/drink from it... which will be poured out for you and for many. FOR THE FORGIVENESS OF SINS” (cf. Words of Consecration, Roman Missal) In fact si Hudas nga po ang unang nakapagcommunion – siya ang unang binigyan ng katawan at dugo ni Kristo. We now see the face of God – indeed, the Face of God is mercy. Ibig sabihin po ba nito ay dapat maging passive na lang tayo? Hayaan na lang na saktan nila tayo – tayo na lagi ang api? Wag na maghanap pa ng hustisya? Hindi po. What Jesus is saying to us today is actually that justice must always be sought for not for the sake of justice or revenge but for the sake of mercy! Alam po natin ang kasabihan: hate the sin save the sinner. Jesus is challenging us today to demand justice di dahil sa “mali ka... masama ka... dapat mamatay ka na” kundi dahil sa “nagkamali ka... sinaktan mo ko... itatama kita... tutulungan kita”. Justice must always be “for-the-Other”. Para mapunta sya sa mabuti – para mapunta sya sa side ng kabutihan. Do you think killing the criminal, the unjust, the drug addict, the adulterous will make him or her a good person? No! Paano pa siya magiging mabuti kung pinatay mo na? At the Garden of Gethsemane, Jesus already know na trinaydor na siya ni Hudas yet he still embraced him and let him give what we call now as the “Judas’ Kiss”. Not because sa ganoong paraan ay mafufulfil ang paschal mystery o ang death and resurrection but because Jesus meant that – he is as if saying to Judas, “I know nagkamali ka, alam ko na alam mo na mali yung ginawa mo but remember: I am with you always. There is still room for repentance. Come back to me!” Brothers and Sisters: at this moment we are at the shoes of Judas, in front of Christ asking us to come back. If we will not, then despair will eat us and we will remain Judas whose only option is suicide. But if we will then we’ll no longer be Judases but we will be Jesus himself always ready to embrace the Judases of our lives, thus transforming lex talionis into lex caritate: the law of love! Mga kapatid, the first reading actually captures the challenge of the Gospel: “Be holy, for I, the Lord, your God, am Holy” (Lev 19: 2). Amen. God bless! |
anonymous lenzJust a traveling someone in this reality we have fallen in love with... this we call our world... "What is essential is invisible to the eyes..." Tags
All
"The absolutely other is the Other" Archives
September 2018
"There is only one corner in the universe that you can be certain of improving and that's your own Self" |